Freshmen Tips, A.K.A. Kent’s Guide to College Life

Standard

(asked from Tumblr)

Anonymous asked: Hi. Yer a Filipino? Just interested. I heard you’re a BS Bio student from UST. right? Well, I’m planning to take that course in UST also. gimme some tips perhaps for being a freshie? Thanks. your answer is much appreciated *winks*

 

Kent says:

Waddup!

You heard…from whom/where? (Sikat na ata ako!)

BIOLOGY!

Pero bago yan, magu-USTET ka muna. Galingan mo at tiyak na papasa ka niyan. Sabi nila, ang USTET daw ang pinakamadaling entrance exam sa Big Four. Oo, madali ang makapasok sa UST, pero ang tanong:

Madali bang mag-stay sa UST and makagraduate?

Okay, fast forward. kumuhakangUSTETnakuhamonayungletternakapasakanakabayadkanangreservationfeetaposnakapagenrollkana.

BIOLOGY!

Ang pagiging estudyante ng Biology o Biyolohiya, lalo na at ikaw ay nagplaplanong maging isang estudyante ng Kolehiyo ng Agham ay hindi biro. Mataas ang ekspektasyon ng mga guro sa iyo, lalo na’t ikaw ay inaasahang gaganap sa iyong mga tungkulin bilang estudyante ng may buong pagsisikap.

1.Less blogging time, more study time. Iha/Iho, nasa kolehiyo ka na, wala ka sa computer shop. Matutong ibalanse ang oras sa pagtu-Tumblr, Twitter, Facebook, MySpace, Friendster at pag-aaral.

2.Matutong magself-study. Base sa aking karanasan, maraming propesor sa College of Science (o CoS, para mas madaling maintindihan) ang nagbibigay ng mga leksyon na:

a)itinuturo nila;

b)hindi itinuturo ngunit pinapabasa nalang kapag may time, o

c)wala pakialam kung aaralin mo o hindi. bahala ka sa buhay mo.

Dito ko din natutunan ang paggamit ng Benavides Library para makapag-basa, makapag-aral…at makatulog.

3.Matutong maging active sa mga college-wide at university-wide organizations. Ito ang nagsisilbing breather ng mga estudyante. Bukod sa pag-cut ng klase (not recommended), pagtulog sa klase (not recommended din pero minsan kailangan), at free cuts, ang mga organizations ang nagiging outlet ng mga estudyanteng pilit tinatambakan ng schoolworks. From photography clubs to writing guilds, napakarami mong pagpipilian.

4.Huwag maga-assume ng pagkatao ng isang guro. Masakit ang mag-assume, at mas masakit na may mai-assume na personalidad sa iyo. Maraming guro ang mukhang binagyo dahil laging nakakunot ang noo, ngunit kadalasan sila ay mababait at mapagkalinga sa kanilang mga nasasakupang estudyante. Ang ating mga guro ay tao din naman, kaya dapat nirerespeto natin sila katulad ng respetong gusto nating makuha. Basta iha/iho, huwag mag-assume.

5.Babagsak ka. At babagsak. At babagsak. Kung sa tingin mo ay katapusan ng mundo mo kapag may binagsak kang subject, quiz, o major exam, hintayin mong matunaw ang lahat ng makita mo at umulan ng apoy, dahil kung ganun nga, katapusan na ng mundo mo. Bumagsak ka man, o nagka-round 2 ka pa, tandaan na maari ka pang bumangon at magsikap. ‘Wag masyadong perfectionist.

6.MAG-ARAL. Dahil hindi ka nagpupunta sa unibersidad upang maglandi, mag-cut ng klase, at sayangin ang tuition na pinaghirapan ng iyong mga magulang para ikaw ay makapasok sa UST.

at sa medyo pagkahuli-hulihan..

7.MAG-ENJOY SA BUHAY KOLEHIYO. Oo, may stress at hassle ang pagiging estudyante, pero hindi mo kailangang dibdibin yan dahil unang-una, may likod, tiyan at mukha ka pa. Huwag mong sasaluhin lahat ng problema sa mundo – hindi naman paligsahan iyan. Matutong ngumiti at tumawa kahit sa mga pinakamaliit na tagumpay ng buhay. Tandaan: Ang pagiging masiyahin sa mga maliliit na bagay ay mas mabuti sa pagiging malungkot sa gitna ng malalaking tagumpay.